Wednesday, February 27, 2008

Haaaayyy..

Haaaayyy, nakaka-depress. Di ko na talaga na-save yung pinakaunang blog ko. I don't know what happened, basta bigla na lang nawala sa dashboard ko. Sayang din yung hundreds of entries na ginawa, sa isang iglap bigla na lang nawala. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko..kaya heto, gumawa na lang ako ng panibagong bahay.

Actually, binili ko na ang domain na kapareho ng pangalan ng blog na to. Napagtripan ko lang na e-register ito sa blogger. Buhay blogger nga naman oo. Nga pala, andami ng bloggers ano? Sabi ng kaibigan ko na pinay na-e-feature daw ang blogging sa isang TV show sa pinas.

Oo nga din naman, malaki ang potential sa blogging. Kahit pa sabihing P40 to $1 na lang ang palitan ng US dollar ngayon, dolyar pa rin yan. Yung $5 na isang entry, 200 pesos na rin yan sa pinas. Kung ikukumpara, may sa isang buong araw na ring sweldo yan. Kaya naman, kung ako nasa pinas...mag-ba-blog na lang ako. Kahit cguro mga $400 a month, ok na ok na yun sa kin.

At saka, maraming na-o-open na opportunity ang blogging. Sa ibang blogs ko, there are a lot of advertisers na nag-e-email sa akin na gustong magpagawa ng ads. Maganda di ba? Tsaka proud din ako kasi naniniwala sila sa akin, kumbaga yung produkto nila, pinagkakatiwala nila sa akin. Maganda rin ang pakiramdam.

Anyway, hanggang dito na lang muna kasi may apat na assignment na pending pa ko..kailangan ko pang gawin. Bukas na lang ulit. Di ako mangangakong magsusulat ako ng entry dito araw araw but I'll do my best na makapagsulat.

:)

1 comment:

ev said...

haaayyy...naa jud kaayo ko dri kaya lang kaw napud wala!haha!kasayang ba atong imong daan na blog oi pero k ra, just keep going tya, i am proud of you!here i go US of A!haha!lami najud kaayo ka kusion sa aping bah..kanus a man ko nimo pletehan padung dha??!haha!dri nalang ko mo chika nimo oi, nakutaw man gud ako utok rong orasa ug hinimo aning requirement nako sa english curriculum namo...paita ba ba aning nagkattiguwang nata oi..mahutdan man tag kusog ug dali.;0)

i miss you tya!actually, mao ra na ako gusto ipaabot sa NM!hehe